There are people who come to your life once in a while. And after that, they're gone forever.Then there are people who come, go, return, walk away again, and repeat the cycle until you get tired. Still there are people who come into your life and stay for good, this is good.
But the people I'm pissed off right now are those who become one of your best friends, talk to you everyday, share meals with you, text you whatever, and then snob you all of a sudden. He or she does not tell you if he or she's angry or bored with you. You're left wondering what you have done wrong. It's paranoia in your part.
Bottomline, I'm really pissed right now. I don't know how to release this tension. I don't want to cry! For some reasons, I've become tired crying. But then, I want to tell someone. But who's gonna listen? Nobody listens. Nobody is interested to hear anything from me. So I guess I'll just let it all out in the blog.
Why the cold shoulder? Alam ko marami akong pagkukulang. Marami akong hindi kayang gawin. Marami akong pagkakamali. Pero bakit ganito ang trato niya sa akin? Makina ba ako na papansinin niya lang kung may kailangan siya?
Sorry. Wala akong mapagsabihan ng problema ngayon. Melancholic talaga ako. Para na akong sasabog ngayon.
Nangingilid na ang luha ko. Pero bawal umiyak. Sa mundong ito, ang mga umiiyak ay lalong kinakawawa. Once you've shed that tear, you're a loser. I don't want to be one. I want to be strong. Just this one time.
Buti na lang marunong akong magsulat. Kahit paano, may outlet ako. Kung hindi ako nagsulat ngayon, baka kung saan ko nailabas ang tensyon na ito.
Bakit ko nga ba siya poproblemahin kung wala naman siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya? Duh, edi wala na lang pakialamanan. Nakakapagod ring magmahal (not in a romantic sense).
Ang Diyos, hindi napapagod magmahal. Mahal pa rin Niya ako kahit ano pang kasamaang ginawa at gagawin ko. Pero tao lang ako. Gustuhin ko mang gayahin ang Diyos sa wagas Niyang pagmamahal, mukhang hindi ko pa kaya yung talagang magmahal nang walang hinihinging kapalit (again, not in a romantic sense). Pwede bang tumigil na muna sa pagmamahal? Pwede bang mag- time out sa pagkalinga at pag-intindi ng kapwa? Pagod na kasi ako. Wala namang pagmamahal na bumabalik. Bigay lang ako ng bigay. Eh ako, kailan ko kaya mararamdaman na mahal rin ako ng mga taong mahal ko?
Ano kayang nararamdaman ni Hesus kapag nasasaktan ko Siya? Ako nga ngayon, wasak na. Siya pa kaya? Sa tuwing idedeny Siya ng mga tao? Sa tuwing lalayo sila sa Diyos?
Buti na lang, may nag-iisa na lang na totoong nagmamahal sa akin. Buti na lang nandyan Ka. Thank you for keeping my sanity. Kahit i-reject ako ng mga tao, ayos lang basta alam kong namatay Ka para sa akin sa krus. Ok na ako basta andyan Ka. Yun nga lang, nasaktan ako. Pero ayos lang, try ko na ring maging okey.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment