Pages

Ads 468x60px

Wednesday, May 20, 2015

Why would I?

You.

You who treat me never as a priority but only as an option.

You who think of me only in your spare time.

You who would talk to me only when you have no one to talk to.

And you who would, every single time, put me in the bottom of your list.

Why would I settle for you?



Why would I take your love that’s nothing but leftovers for me?

Why would I go for your love that gives me second best?

Why would I be content with your offering that's only half a heart?

Why would I spend my entire time with you, who spends just what’s left of it with me?



When I am worth far more than the dirtbag you make me feel like,

When, despite my imperfections, I deserve to be given due value,

When all you can give me is the faintest kind of love,

Why would I settle for you?

Why the heck would I settle for you?

Saturday, May 16, 2015

Ang cycle na papatay sa'yo.

1. I-convince ang sarili na "Magmo-move on na talaga ako, for real this time."
2. Putulin lahat ng means of communication sa kanya.
3. Iwasan siya.
4. Patagalin ng ilang araw, linggo o buwan (kung kaya mo) ang pag-iiwasan.
5. Ma-miss siya.
6. Umabot sa puntong napakasakit na yung pagka-miss mo sa kanya.
7. Dahil 'di ka na makatiis, i-text o chat siya ng "Kumusta? I hope you're doing fine."
8. Dahil magre-reply siya, asahang magiging textmates o chatmates na ulit kayo.
9. Magtantyahan kung kaya pang ibalik ang dating samahan. Kahit "as friends" lang.
10. Dahil okey naman kayo magiging close na kayo ulit "as friends".
11. Masaktan dahil malalamang may nilalandi siyang iba.
12. Umiyak at malungkot buong araw dahil akala mo, okey na okey kayo.
13. I-convince ang sarili na "Magmo-move on na talaga ako, for real this time."
14. Putulin lahat ng means of communication sa kanya.
15. Iwasan siya.
16. Patagalin ng ilang araw, linggo o buwan (kung kaya mo) ang pag-iiwasan.
17. Ma-miss siya.
18. Umabot sa puntong napakasakit na yung pagka-miss mo sa kanya.
19. Dahil 'di ka na makatiis, i-text o chat siya ng simpleng "Kumusta? I hope you're doing fine."
20. Dahil magre-reply siya, asahang magiging textmates o chatmates na ulit kayo.
21. Magtantyahan kung kaya pang ibalik ang dating samahan. Kahit "as friends" lang.
22. Dahil okey magiging close na kayo ulit "as friends".
23. Masaktan dahil malalamang may nilalandi siyang iba.
24. Umiyak at malungkot buong araw dahil akala mo, okey na okey kayo.
25. I-convince ang sarili na "Magmo-move on na talaga ako, for real this time."

Go back to number 1 and repeat until you die.

Friday, May 15, 2015

Inalayan ko ng awit ang isang matanda.

Inalayan ko ng awit ang isang matanda
Linggo ng hapon noon at wala ‘kong magawa
Niyakap niya ako ng ubod ng diin
Sabi’y malaking bagay ang nagawa mo sa’kin.

Inalayan ko ng awit ang isang matanda
Para hindi siya maghapong nakatulala
Kahit nagkagulo-gulo at wala sa tono
Ang saya ni lola ay kitang kita ko.

Inalayan ko ng awit ang isang matanda
Bilang munti lamang na kawanggawa
Akala ko naman ito’y walang epekto
Pero pinasaya ko daw pala kanyang mundo.

Inalayan ko ng awit ang isang matanda
Kahit ang awit ay palasak na sa iba
Payak at kay ikli lang ng awit na dala
Ngunit kahit ito ay makahihilom din pala.

Inalayan ko ng awit ang isang matanda
Ang kapalit ay sobra-sobra namang pagpapala
Dahil noong sinubukan kong dalhin siya kay Kristo
Ako ay dinala niya kay Kristo rin mismo.

Lucky me.

Today I realized something that really made me happy.

I look at my bookshelf and there's really nothing much to see. I have few books.

Thus, most of the books I have read in my life are borrowed from friends.

Oh man, I am friends with the right people.

Sunday, May 10, 2015

Dear boss.

Minsan may mga araw na masarap lang umabsent at magsabi ng mga dahilang pawang guni-guni lang.

----------------

Dear boss, di po ako makakapasok
Mainit sa labas, may threat ng heatstroke
Three hours lang po ang tulog ko
At di pa ako naggugupit ng kuko.

Dear boss, ngayon po absent ako
Makati po kasi ang lalamunan ko
May dumaang itim na pusa sa harap ko
Mahirap na eh, baka malasin po ako.

Dear boss, di ako papasok mamaya
Ang klima po kasi today di kaaya-aya
May ermitanyo pang kumatok sa bahay ko
Sabi magugunaw na daw po ang mundo.

Dear boss, wala po ako sa work today
Traffic daw po kasi diyan sa highway
Di rin po ako nakapagpainit ng tubig
Ayoko namang maligo nang sobrang lamig.

Dear boss, sana po intindihin nyo
Di naman po sa tinatamad ako
Nabasa nyo naman ang mga rason ko
At next week pramis papasok na ako.