Laking Malabon ako.
Alam nyo naman sa Malabon, laging bumabaha.
Nung bata pa ako, hindi pa tinataasan yung street sa tapat ng bahay namin. Kaya pag high tide, bumabaha. Nakadungaw ako sa bintana at tinitingnan ko yung mga batang nagsiswimming sa baha.
Kaya kinulit ko si Mama. Mama, gusto ko pong magswimming sa baha.
Hindi pumayag si Mama. Madumi daw yung tubig dun. Magkakasakit ako. Siyempre, hindi ako naniwala. Nagpumilit ako. Mama, gusto ko po talagang magswimming sa baha. Bakit yung iba, nagsiswimming? Bakit ako, hindi? Pero kahit anong pilit ko, hindi ko talaga mapapayag si Mama. Nakasimangot lang akong pinapanood ang mga batang masayang nagtatampisaw sa tubig.
Ang tanga tanga ko noon. Talaga.
Looking back, alam ko na ngayon na madumi ang baha. Kahit palusungin mo nga lang ako sa tubig nun, ayoko, kadiri kaya with a capital "K."
Hindi ko maintindihan si Mama noon kung bakit ayaw niyang magswimming ako sa baha. Akala ko makakabuti sa akin ang tubig baha. Akala ko pareho lang yun ng tubig sa swimming pool. Pero hindi pala.
Kung hindi ko sinunod si Mama, hindi ko alam kung anu-anong klaseng sakit ang nakuha ko don. Baka nga patay na ako ngayon.
Parang ganyan din tayo sa Diyos. Marami Siyang ginagawa sa buhay natin na hindi natin maintindihan. Kaya kung minsan, kinekwestyon natin ang Will Niya.
Pero ang hindi natin narerealize, lahat ng ito ay para sa ating ikabubuti. Si Lord pa? The Lord who can bring out the good in every evil has surely a great plan for us.
Bakit ka hirap na hirap sa acads? Baka kasi ipapasa ka Niya ngayong sem. Kailangan mo lang paghirapan ang pagpasa mo.
Bakit hindi ka mayaman? Baka kasi hindi mo naman talaga kailangan ng yaman sa mundo. Baka kasi kung naging mayaman ka, hindi mo Siya makikilala.
Bakit may sakit si ________? Ewan natin, baka way ni Lord yun para mapalapit pa yung may sakit sa Kanya.
Bakit? Bakit? Bakit? Ang dami nating tanong. Hindi naman masamang magtanong, dahil human nature talaga yun.
Pero dapat, pagkatapos ng tanong, may sagot man ang Diyos o wala, ay ang PAGTITIWALA.
Sabi nga ni Bo Sanchez, hindi natin naiintindihan kasi one piece lang ng jigsaw puzzle ang nakikita natin. Kaya parang ang pointless. Pero ang Diyos, nakikita Niya ang buong jigsaw puzzle. Kaya lahat ng bagay ay nangyayari for a reason.
Paano kaya kung hindi ko sinunod si Mama? Kung nagswimming pa rin ako sa baha? Ay hindi ko na alam. Baka nagkasakit na ako at.. at.. at... at ayoko nang isipin dahil kadiri talaga ang tubig baha.
Jesus, I trust in You! God bless us all. :)
0 comments:
Post a Comment