Pages

Ads 468x60px

Wednesday, May 25, 2011

Swimming sa baha

Laking Malabon ako.

Alam nyo naman sa Malabon, laging bumabaha.

Nung bata pa ako, hindi pa tinataasan yung street sa tapat ng bahay namin. Kaya pag high tide, bumabaha. Nakadungaw ako sa bintana at tinitingnan ko yung mga batang nagsiswimming sa baha.

Kaya kinulit ko si Mama. Mama, gusto ko pong magswimming sa baha.

Hindi pumayag si Mama. Madumi daw yung tubig dun. Magkakasakit ako. Siyempre, hindi ako naniwala. Nagpumilit ako. Mama, gusto ko po talagang magswimming sa baha. Bakit yung iba, nagsiswimming? Bakit ako, hindi? Pero kahit anong pilit ko, hindi ko talaga mapapayag si Mama. Nakasimangot lang akong pinapanood ang mga batang masayang nagtatampisaw sa tubig.

Ang tanga tanga ko noon. Talaga.

Looking back, alam ko na ngayon na madumi ang baha. Kahit palusungin mo nga lang ako sa tubig nun, ayoko, kadiri kaya with a capital "K."

Hindi ko maintindihan si Mama noon kung bakit ayaw niyang magswimming ako sa baha. Akala ko makakabuti sa akin ang tubig baha. Akala ko pareho lang yun ng tubig sa swimming pool. Pero hindi pala.

Kung hindi ko sinunod si Mama, hindi ko alam kung anu-anong klaseng sakit ang nakuha ko don. Baka nga patay na ako ngayon.

Parang ganyan din tayo sa Diyos. Marami Siyang ginagawa sa buhay natin na hindi natin maintindihan. Kaya kung minsan, kinekwestyon natin ang Will Niya.

Pero ang hindi natin narerealize, lahat ng ito ay para sa ating ikabubuti. Si Lord pa? The Lord who can bring out the good in every evil has surely a great plan for us.

Bakit ka hirap na hirap sa acads? Baka kasi ipapasa ka Niya ngayong sem. Kailangan mo lang paghirapan ang pagpasa mo.

Bakit hindi ka mayaman? Baka kasi hindi mo naman talaga kailangan ng yaman sa mundo. Baka kasi kung naging mayaman ka, hindi mo Siya makikilala.

Bakit may sakit si ________? Ewan natin, baka way ni Lord yun para mapalapit pa yung may sakit sa Kanya.

Bakit? Bakit? Bakit? Ang dami nating tanong. Hindi naman masamang magtanong, dahil human nature talaga yun.

Pero dapat, pagkatapos ng tanong, may sagot man ang Diyos o wala, ay ang PAGTITIWALA.

Sabi nga ni Bo Sanchez, hindi natin naiintindihan kasi one piece lang ng jigsaw puzzle ang nakikita natin. Kaya parang ang pointless. Pero ang Diyos, nakikita Niya ang buong jigsaw puzzle. Kaya lahat ng bagay ay nangyayari for a reason.

Paano kaya kung hindi ko sinunod si Mama? Kung nagswimming pa rin ako sa baha? Ay hindi ko na alam. Baka nagkasakit na ako at.. at.. at... at ayoko nang isipin dahil kadiri talaga ang tubig baha.

Jesus, I trust in You! God bless us all. :)

LB Times reflections: How God moved me through the presswork (and the entire semester all in all)

Bago ko kunin ang DEVC123 (LB Times), I wondered kung bakit ang dami-daming urban legends ng journ students tungkol dito. Mahirap daw, matrabaho, 8 units, kain-oras, etc. etc.

At ngayon tapos na ang Times, napatunayan ko how true those urban legends are. Totoong mahirap mag-LB Times, pero hindi nito matatawaran ang mga lessons at realizations na na-come up ko dahil sa lahat ng mga naranasan ko. Most of all, I have experienced God's grace, in the good and bad times I experienced during the process.

First challenge para sa amin was to bond and work as a team. Marami kami sa batch compared sa mga dating batch. Doble ang bilang namin. We thought everything would be easy kasi maraming gagawa ng trabaho. Pero kahit ganun, mahirap pa rin pala. Nahirapan kaming i-gather ang isa't isa kasi nga marami kami. Minsan, nagkalituhan din kami sa roles. Pero we were still able to manage everything.

Another challenge was to come up with more than fifty thousand to fund for the printing of the paper. Usaping pera na ito, at I am not that well-off to just give my money away for the paper. Syempre, we had fund raisings c/o the business managers. Personally, na-enjoy ko ang mga FRs na yun. Yung caroling, film showing, selling lunch, at yung iba pa. I didn't think they were work; I just enjoyed the majes' presence and the fact that we were happily doing them together. Masaya naman kasama ang mga yan. Weeee!

Medyo "nawalay" ako sa aking pinakamamahal na org (wala naman akong ibang org dito sa UPLB, hehehe). Execom pa naman ako nung time na yun. I regretted the days na hindi ako maka-attend sa Lisieux. Naisip ko na lang, para sa acads naman 'to, sana naiintindihan nila, at sabi nga ni Kuya Aids, aanhin mo pa yung service mo kay Lord kung napapabayaan mo naman yung iba mong commitment? Ay oo nga naman ano. Sana, pagbalik ko, welcome pa rin ako sa kanila.

I felt bad when my article was killed. At aaminin ko, I cried that night. Ilang ulit kasi naming inulit yun ni Ate Chel (my super partner) pero na-scrap pa din. I didn't blame anyone though. Wala namang may kasalanan dun, sadyang di lang pasok yung content ng article sa theme ng paper. I also felt how the majes struggled to fit the article in, pero hindi talaga kaya. Dilemma sa'kin nun kung pano sasabihin sa partner ko na tanggal na yung article namin. Kaya kay Vicky ko na pinasabi. Ate Chel and I worked on another article, the cover story for the magazine. Sobrang pressure yun samin, kasi cover story yun. Ans personally, I never wanted the spotlight in this issue of LB Times. Sapat na sa akin maging isang humble copyeditor and writer.

Hindi ko alam kung maganda ang kinalabasan ng article namin, but what's done is done. It is already published, along with the articles I know the majormates worked so hard for.

A lot of trying times bombarded my semester. Inisip ko kung paano mapagsasabay-sabay lahat, lalo na ang DEVC124 na isang major subject din. Maraming beses akong hindi natulog magdamag para tapusin ang papers. I tried all means to stay awake, at natuto akong uminom ng energy drink. A lot of people warned me about energy drinks though. Masama daw yun sa katawan. Anung magagawa ko, kung yun lang ang paraan para magising ako?

I held on to Him at some time, pero may mga oras ding parang hindi ko Siya maramdaman. Nung mga oras na haggard na ang lahat sa Times, it seemed that He withheld Himself back. Medyo may "pagtatampo" na din ako nun. The restless days seemed endless. Parang pointless lang lahat ng ginagawa ko. Alam ko na minsan ginagawa Niya yun para i-test ang tao, and I was on the losing end. I lost His test.

Yes, I lost His test of trust and patience. I failed Him many times this semester, but this is the wonderful thing: HE IS GOOD. HE WILL FOREVER BE.

He made me experience His saving grace once again. Nagawa ang article. Nagawa ang layout. Pinaulit-ulit ang revisions, pero in God's most perfect time, we were able to give it to the printing press. Nag-launch. Now it is being circulated. We never wanted it to be this late, but who cares now? We did it. We are just so happy we did.

Kamusta naman ang grades ko? I was able to survive everything. Hindi man CS or HR, pero pumasa pa rin. Wala naman akong kebs ngayon kung mataas ang grades ko o hindi, I am all concerned in the learnings I got from all the hours I spent listening to the teachers. At isa pa, hindi ko na uulitin pa ang mga subjects na yun. Most of all, senior standing na ako!

It is wonderful how God led my life to where it is right now. I never planned to be a Journ major, and to study in UP in the first place. All I wanted was to be a student. But now I realize that something is up for me. He planned it. It is something bigger. And hopefully, it is for His greater glory. I hope that through my life (no matter how imprefect it is), His Name will be glorified.

TRUST. FAITH. HOPE. LOVE. God loves you.

Pag-aalay ng Puso. Pag-aalay ng MUSIKA.

(Posted last Feb 2010)

(I tried hard na gawin itong mala-anecdote, para hindi serious. Pero sadyang seryoso ang na-come up ng utak ko eh.)

Ilang buwan itong pinaghandaan. Maraming luha ang naiiyak ng mga tao. Pero sa kabila ng lahat ng hirap, God's plan still reigned. NATULOY ANG ALAY MUSIKA XXV IMMERSION.

The night before immersion.
1:30 AM na hindi pa ako tulog. Nagtatalo ang utak ko kung magde-data gath pa ako ng 8-10 AM, 10 AM kasi ang calltime ng Lisieux. I texted my partner.

"Jeric, sorry di na talaga kaya ng 8-10 bukas. Sobrang hapit na ng sched eh. Concert na kasi ng Lisieux bukas."
Pumayag naman yung partner ko na siya na lang ang pumunta (pero di din siya nakapunta). Naisip ko, marami pa akong aayusin kay Cabs. Ihahanda ko pa ang mga dadalhin. Isa pa, ayokong humarap sa mga bilanggo na haggard ako.

Anyway, dumating ako sa chapel ng maaga. May Lisieux na. Unti-unting dumami ang mga tao. Nagkantahan. Nagdasal sa PEA. Nagpraktis ang mga soloists. Ooops, bakit natataranta sina Roent, Ninya at Vince? Kinakabahan ako.

Na-appease ako nung pinag-pray kami ni Brother. Kahit papano. Pero malamig pa rin ang kamay ko.

Nasa jeep na. Nag-rosary. Pilit kong sinu-suppress ang kaba. Naki-ipod kay Rich. Pumikit para matulog pero kinakabahan pa rin deep inside.

There we go. Eto na ang Laguna Provincial Jail. Una kong hinanap ang CR. Tapos naglakad na kami. Ang laki pala nito? Nasaan yung mga selda? Ah, ayun. Nakatingin sila sa amin. Yung iba, nakangiti, yung iba, blank stares.

Kinabahan na naman ako.

Preparations. Lunch, make-up, vocalization, casting and binding rites. Fast forward na tayo.

Habang kumakanta, tinitingnan ko ang mga tao. Bakit bukod sa pagpalakpak, eh wala na silang reaksyon? I had this fear na baka wala kaming ma-move. Bakit ganoon? Ganito ba talaga dito?

May nakita ako sa bandang gilid, ate na namumula ang mata. Yes naman, umiyak siya sa O Hesus, Hilumin Mo. Okay! Nice one. Tuloy lang ang pagkanta.

Oo, aaminin ko, hindi perpekto ang pagkanta namin. May mga sablay na notes. Dynamics. Pero mapapansin ba nila yun, kung naka-focus sila sa mensaheng gusto naming ipahatid?

Pumapalakpak sila. Tapos tumatahimik. Hanggang sa huling kanta, ganoon lang ang napansin ko.

Tapos na ang concert proper. Masaya ang ambiance ng paligid. Natuwa sila sa amin. More! More! More! Syempre uto-uto kami, kumanta pa ng mga Lisieux classics. Palakpakan. May nagperform pa para sa amin. Nakakatuwa. Masaya sila sa pagpe-perform para sa amin.

Na-move kaya namin ang mga taong 'to?

Misa na. Personally, inisip kong kasing importante ito nung concert proper. Highest form of prayer ito, right? Okay naman lahat. Mainit sa pwesto ko, pero di pwedeng mawala ang concentration ko dahil doon.

Now, my favorite part. Nakapila kaming pumasok sa mga compound. Nakapila, parang field trip lang. Grabe yung pagwelcome nila sa amin. Pinapasok pa nila kami sa mga selda nila.

Mabababa yung ceiling (?) ng mga selda. Kapag tumayo ka, mahahawakan mo yung ceiling. Masikip din dahil marami silang namamahay doon. Sabi ko sa sarili ko, kung ako ang mga taong ito, hindi ko kakayanin dito.

But you know what? Never had I expected the "joy" I felt from the compounds. Were they fronting? Nagpapanggap lang ba silang masaya dahil nandoon kami? Hindi eh. May joy pa rin despite... everything. O baka natuwa sila dahil binisita namin sila? May narinig pa akong bumulong, "Ang babait naman ng mga batang ito.." Pagkarinig ko, naisip ko bigla, Ate, you never know kung gaano kabulok ang pagkatao ko...

Yes, we are simple sinners who received God's grace. And now we are here to spread the good news.

Dalawang bagay ang na-realize ko. Una, I am blessed given the physical freedom to do what I ought to. Pangalawa, they are blessed, given the joy and hope despite where they are.

Na-realize ko kung gaano ako kabulok. Na-realized ko din kung gaano ako ka-blessed.

Joy and hope, meron ba ako nun? Eh konting frustrations lang, nagtatampo na ako sa Diyos? Sila nga, tingnan mo ang kalagayan nila, pero masaya pa rin sila. Eh ako? Sabi ko nga sa'yo, bulok ang pagkatao ko. Kung hindi lang ako anak ng Diyos, I am no good than a trash that needs to be thrown.

We went home with sweet smiles.

Kinagabihan, nakausap ko si Rich. At ang sabi niya, marami daw ang naiyak! Hindi lang namin kita dahil nasa unahan kami. Pero yung mga nasa gilid, kita nila yung mga reaksyon ng mga tao.

So ayun, from my point of view, parang kebs lang sila. Pero hindi naman pala. At bigla kong naisip, yung mga umiiyak lang ba ang na-move? We never know. We can never measure if we move hearts, or if God moves hearts through us. GOD KNOWS. We just have to follow His will.

Ilang araw na lang at isa pang laban ang haharapin. Restage naman. Now it's a different approach. The UPLB is a different battlefield.

Pero kakayanin natin!

Prayers at matinding preparations ang kailangan.

Ora et labora!

Salamat, Panginoon, sa paggamit Mo sa mga tinig namin.

Bloody.

Our ministry had a blood drive last year, on Valentines day. Talk about giving love! This was my funny kwento.

__________________________________________________

Dahil Lisieux ako, tumulong ako sa Blood Drive na outreach activity namin in cooperation with PGH. Hindi ako nakapag-donate ng dugo dahil 5am na ako natulog (asus! daming dahilan. takot ka lang eh!) at baka lalo lang magkasakit ang taong sasalinan ko ng dugo, kasalanan ko pa. Hehehehe.

Para makatulong naman kahit pano, namigay ako ng flyers with Ate Dyn and Roent (may iba pa yata, di ko alam). Para sa pagpo-promote man lang ay may maiambag ako. Sa pamimigay ko, iba't ibang klaseng tao ang nakasalamuha ko.

Iba't ibang mukha. Iba't ibang reaksyon. Iba't ibang pagtanggap (at pagtanggi).
Eto ang ilang tagpo sa pamimigay ko ng flyer. di naman ganun kasakto yung mga sinabi, pero parang ganyan din.

SCENE 1:
Mich: (smiling) Blood Drive po, ongoing po ngayon!
Ate: Ahkei.
(ok pa to. wala lang. tipikal na pagkuha)

SCENE 2:
"Blood Drive po, ongoing po ngayon!"
"Ui maraming salamat ah!"
(nice! ang laki ng utang na loob mo sakin? hehehe. enwei, nakakatuwa siya.)

SCENE 3:
"Blood drive po, punta po tayo!"
"Ay hindi hindi hindi!" (nakasimangot)
(fine. =[ )

SCENE 4:
"..."
(nakita pa lang akong may hawak na flyer, umiwas na. wala naman akong virus kuya.)

SCENE 5:
"Blood drive po!"
"Ay Jehovah kami. Sorry."
(ok. respect ko na lang paniniwala nina ate.)

SCENE 6:
Mich: Blood drive po sa... (di na natuloy. nakita ang malalaki at maiitim na tattoo ni kuya. bawal magdonate pag ganun, diba?)

SCENE 7:
Mich: Blood drive po!
Paulo: Ay tapos na ko, eto oh. (pinakita yung arm)
Mich: Wow, nice! Thank you kuya! God bless you!
(kinagabihan, nalaman kong instumentalist pala siya ng Alay Musika XXV. Great!)

SCENE 8:
Mich: Blood drive po!
Ate: (nakangiti, tinitigan lang ako pero hindi kinuha yung flyer)
(gusto mo ba talaga te o ayaw mo?)

SCENE 9:
Mich: (papalapit)
Kuya: (ang sama ng tingin.. para akong mamamatay-tao)
Mich: *wag na lang nga*

SCENE 10:
Mich: Blood drive po!
Mga kuya: Ay, ito ba yung sa Lisieux? Tapos na ako eh, pero yung mga friends ko susunod daw sila mamaya!
Mich: =)

SCENE 11:
Mich: (papalapit pa lang)
Kuya sa Vega: Anu yan? Anu yan ah? Anu yan?
(teka lang kuya ha ieexplain ko naman eh.)

SCENE 12:
Mich: Blood drive po!
Mga ate at kuya: Ay meron na. (flyer)
(kasabay ko rin kasi mamigay sina ate Dyn at Roent)

SCENE 13: (peyborit ko to!)
Mich: Blood drive po!
Mga students: Ay saan to? Pano pag 17 pa lang ako? pano pag 46 kilos lang? anung kailangan gawin? masakit ba? (at kung anu-ano pang tanong na hindi ko naman masagot)
Mich: Ah eh....... may doktor naman don. hihi.



Nakakatuwa na 58 bags ang nakalap ng blood drive na yun. Kahit kasabay namin ang red cross, at kahit may kumain ng tarp namin sa CHE, nakarami pa rin. Salamat! Sa susunod ulit na blood drive. All for God's glory. =)

Miracles do happen. Really.

(I posted this blog two years ago, when I was taking stat1. Fast forward to now, I am still thankful that He let me pass that course. Gloria in excelsis Deo!)

____________________________________________


I should write a blog about something wonderful that happened to me last night. I just encountered another miracle from the Maker of all miracles.

I have been telling people how I struggle to pass the quizzes and exercises in STAT1. I admit I really am confused with all the lessons. Math is my weakness and it shows in the results of my quizzes in the course.

I often endure sleepless nights to catch up with the discussions. I review my notes during my break. There were times when I would stay up all night to answer the exercises in advance, because I know I would be struggling again in the lab. But then, It seemed that all my efforts were wasted when Ma'am Krizzy would give a quiz and I would find myself still puzzled on how to solve the problem sets. The thought that I stayed up all night for just another failed quiz saddened me.

If the results of my exercises and quizzes are to be computed right now, I know and I am sure I would get a failing standing. This is in spite of all the efforts I exert.

So there. Last night, I was alone in my room in the dormitory. I thought of all my struggles and the pain they inflict me. I broke down. I cried so hard I couldn't stand the frustration. I texted some friends and they said they would pray for me at that moment. I was talking loudly to the Lord. Why are all my efforts wasted? Why can't I understand the concepts? Why do I have to take this course? Why have You brought me into this when You know I can't get through it? Those were the why's I kept on asking Him. I felt miserable. I was tempted to think that I was all alone in the journey.

Then my eyes moved toward the shelf... a Bible. I lifted my hands and found myself opening it. I was searching for answers. And I know He gave it to me at that very moment.

The pages turned to Sirach 2:2-6. I understood what He wanted to tell me. I cried again, not with bitter tears, but with tears of joy - joy that I found after He appeased me.

Sirach 2:2-6
My son, when you come to serve the LORD, prepare yourself for trials.
Be sincere of heart and steadfast, undisturbed in time of adversity.
Cling to him, forsake him not; thus will your future be great.
Accept whatever befalls you, in crushing misfortune be patient;
For in fire gold is tested, and worthy men in the crucible of humiliation. Trust God and he will help you; make straight your ways and hope in him.

I SUPER cried while reading the passage. I suddenly realized why I became miserable. I failed to trust Him. I relied on my own. I thought it was my battle alone. I didn't realize that I can't make it if I don't turn to Him.

So there. I found new hope. It is not too late! I will do my best and I will lift up everything to Him. The Lord is now my teammate! And with Him as my Shepherd, I will never wander. ü

Thanks be to God! ♥

From now on, this blogger site will be filled!

Yes, I'll be updating it from now on. :)
Let's spread the good news. :)

Sunday, February 15, 2009

new post!

tagal ko nang hindi nauupdate ang blogspot ko.

iuupdate ko na ulit mula ngayon.

promise.