Pages

Ads 468x60px

Monday, August 10, 2015

Isantabi.

May mga araw kung saan ang kalungkutan ay madaling isantabi. Ito ang mga araw na ang isip ng tao ay nakatuon sa sari-saring mga bagay. Sa mga panahong ito ang lungkot ay nakatabi lamang sa sulok, nag-aabang, nagbabadyang magmulto anomang oras.

Ang mga araw na ito ay naiipon: lahat ng panahong hindi ka malungkot o sadyang hindi mo ito pinapansin o ipinahahalata. At ang lahat ng lungkot na naipon, kapag sumabog ay nakakamatay.

Malungkot pala ako. Hindi ko ito napansin gawa ng dami ng pinagkakaabalahan sa araw na 24 oras lang ang laman. Mga pinagkakaabalahang wala akong ideya kung saan patutungo, mga bagay na hindi ko alam kung ikagaganda nga ba ng buhay ko o ng estado ko. Sa mga bagay na ito nalilibang ako ng kaunti. Sa mga bagay na ito panandalian akong nakalilimot sa ‘yo. 

Panandalian, ngunit hindi habambuhay.

Malalim ang sugat na dinulot mo. Hindi sapat ang ilang buwang paglimot ko sa ‘yo. Isag taon na ang nakakalipas, pero parang wala namang nabago. Oo, masakit pa rin hanggang ngayon ang iyong paglayo.

At wala nang mas sasakit pa sa katotohanang hindi ka na babalik.

0 comments: