Pages

Ads 468x60px

Wednesday, April 2, 2014

Time machine.

Noong high school ako, akala ko ang tamang marrying age ay 23. Akala ko sobrang tanda mo na kapag kinasal ka at 27.

Mahilig akong sumulat ng mga kwento dati. Sa isang kwentong isinulat ko, 23 yung girl noong nagpakasal  sa isang arranged marriage. Tapos feeling ko ang tanda tanda na niya. Lels.

Pero ngayon, 23 na ako at single pa since birth. (Anyare te? Hahahaha)

Isa lang ito sa mga gusto kong sabihin sa 15-year-old me. It's a shame that time is linear and uni-directional. Kung pwede lang, gusto ko sanang ibalik ang oras para kausapin si high school Michelle Ann Sulit. I want to set her straight. Para i-correct ang misconceptions niya sa buhay.

Gusto ko siyang tawanan, kutusan, pagalitan, damayan, at sabihan ng mga sumusunod:

-- Dear Michelle, akala mo 'you've got everything figured out' at 23. Akala mo, pag nakatapos ka ng pag-aaral, fulfilled ka na. Mali ka! Hahahaha.
Dadating yung time sa buhay mo na pagka-graduate mo, tatanungin mo ang sarili mo: San na ko pupunta? Kasi wala kang idea... Hahaha... Quarter-life crisis ang tawag don. Mararanasan mo yun, te.

-- Akala mo sobrang busy mo na? Hintayin mo pag nag-college ka. Lalo na pag nagtrabaho ka. Marami kang busy moments, kekwestyunin mo kung bakit 24 hours lang ang ginawa ng Diyos sa isang araw.
Pero dahil sa kawalan mo ng oras, mago-grow ka. Matututo ka ng time management. Matututo kang i-bend ang time and space para magawa mo ang mga dapat mong gawin! Kaya mo yan, te. Magagawa mo silang lahat. Gagabayan ka ng Diyos.

-- Nakakatawa ka nung na-"in love" ka. Paiyak-iyak ka pa. Sabi mo pa "Forever na ata akong ganito." Mga kyeme mo! Sarap mong kurutin!!!
Napaka-naive mo. Pero hindi naman sa pinagsisisihan ko na nangyari sayo (sa atin) yon. Syempre, kung hindi nangyari sayo yun, hindi ka nag-grow. Kaya steady ka lang dyan, 'te. Wag magmadaling tumanda, hokey?
Ipagpapasalamat mo na single ka throughout high school and college. Eight years in the future, you will realize how rich your life had become, because you didn't have anyone to hold you back. Madami kang na-experience at friendhips na na-develop, mga bagay na hindi mo siguro mae-experience kung naging kayo ni *insert guy here*, dahil kung naging kayo, sa kanya iikot ang mundo mo.

--While we're on the subject of romantic love, gusto ko ring malaman mo na hindi totoo ang mga napapanood at nababasa mo sa media. Hindi totoo yung love at first sight. Hindi laging may magic. Hindi totoo yung scene na "This guy walks across the room and you just know, he's the one." ULUL HAHAHA. Hindi rin makatotohanan yung mga kwentong madalas mong napapanood: Hindi magical ang first kiss (Sabi nila ha. Di ko pa naco-confirm e! LOL); Hindi laging masaya ang mga mag-asawa; Hindi porket nagkatuluyan na sila e happy ever after na. Malayo sa katotohanan lahat ng yun. Superficial! In short, binobola ka lang ng media sa distorted portrayal nito ng love. Dahil ang tunay na pag-ibig ay masakit. Masakit, pero masaya.

-- Lagi kang nagwo-wonder kung anong ibig sabihin ng First Commandment. Pano nga naman yun, e hindi naman ganun katindi ang relationship nyo ni Lord? Ok lang yan. Masyado ka pang distracted ng ibang mga bagay.
Pero dadating ka sa point ng buhay mo na tatawagin ka ng Diyos. Mae-experience mo yun in the most bizarre times and at the most unexpected places. Mararanasan mo din yung joy at bliss ng pag-respond sa tawag ng Diyos, yung perks, at yung hirap. Unti-unti kang malulunod sa pagmamahal ng Diyos hanggang sa di mo na ma-identify ang sarili mo apart from Him. Tapos malalaman mo na ang purpose mo, at may idea ka na kahit pano kung san ka papunta sa buhay mo. Masaya yun! Pero akala mo banal ka na pagkatapos nun? Madami ka pang bigas na kakainin at panalanging dadasalin.

--Minsan, nami-miss kita. Nami-miss ko yung zeal at excitement mo sa buhay. Nakaka-miss yung oras na ineenjoy mo lang ang bawat araw na high school ka. Kung ngayon, gusto mo nang tumanda at malaman agad kung ano mangyayari sa'yo ten years from now, ten years in the future, hihilingin mo na sana pwedeng balikan yung high school life mo. Ang ironic ng buhay 'no? Gusto mong mag-fast forward, pero pag nakarating ka na dun, gusto mo namang mag-rewind.

--Wag kang magsasawa ha? Minsan kasi, mafi-feel mong parang nakakatamad nang mabuhay. Minsan mafi-feel mong stagnant ka na. Di mo na alam kung san ka pupunta, Sa ganitong pagkakataon, bumalik ka lang sa purpose mo. Isipin mo lang lagi kung Sino ang pine-please mo at kung para Kanino ang lahat ng ito.

___________________________

Sabi nga ni Marshall kay Lily sa How I Met Your Mother, "Your best and most exciting days are all ahead of you." And true enough, they were yet to experience the best life has to offer. Ito ang gusto kong sabihin sa high school self ko. Nakakamiss talaga si high school Michelle Ann, pero isa na siyang character mula sa past; hindi na siya babalik. Di bale, mananatili naman yung memories. At yung mga natutunan ko sa kanya, lagi kong aalalahanin. :)

0 comments: