Pages

Ads 468x60px

Saturday, March 15, 2008

USAPANG BLAKBORD

Para siguro sa mga professors, unpredictable ang mga estudyante.


Pero para sa ating mga estudyante, silang mga professors itong pinaka-unpredictable sa lahat.


Sa college life (oo, prerequisite to ng blog kong “College na pala Ako”), isa sa talaga namang nakadadagdag ng thrill sa pag-aaral ay ang mga professors. Dahil marami sa kanila ay mataas ang pinag-aralan, madalas ay hindi tayo Nakakahindi sa kanila. Kahit pa tambakan ka nila ng maraming projects o papers o pahirapan ka nila sa exam.


Natutuwa tayo siyempre sa mga mababait na prof. Yung magaling magturo at considerate pa. Meron ako dating isang professor na talaga namang nakakatuwa, ayaw pa kaming i-dismiss kahit alas siyete na ng gabi, kasi hindi pa namin naiintindihan yung lesson (to think wala naman siyang seswelduhing extra kapag nag-overtime, at alam kong gutom na gutom na siya noon.) Siya ang inspirasyon ko dati, siya kasi ang naglilinaw sa amin ng mga lessons na hindi namin maintindihan sa lecture (Recitation instructor lang namin siya, pero mas marami pa akong natutunan sa kanya kaysa sa lecture professor namin.) Utang ko sa kanya ang pagkakapasa ko sa subject na yon. Haha, oo na, inaamin ko na, kaya ko ito sinasabi ay dahil siya ang favorite kong professor of all time.


Yung isa ko namang prof noong first sem sobrang bait din in and out of the classroom. Siya pa ang unang bumabati sa akin kapag nagkakasalubong kami sa daan. Kapag binabati niya ako as if kabarkada niya lang ako. Minsan nakita niya akong tulala, nilapitan ako at sinabing “O bakit ka malungkot? May problema ka ba?” Uupo pa sana sa tabi ko kung hindi ko lang sinabing “Ma’am, sleep deprived lang po.”


May mga professor namang mabait sa loob ng classroom pero kapag nasa labas na, nagiging isnabero’t isnabera. Kapag nakikita mo sila, as if hindi ka nag-exist sa listahan nila ng estudyante. Gaya noong prof ko dati na mabait kapag nagtuturo, pero ilang beses na kong nag-“hi” sa labas, ni ngiti hindi ako nabiyayaan. Worse, yung ibang mga prof masungit kapag nagko-consult ka sa kanila. Ito ang pinakaayoko. Iyung kulang na lang ay laitin ka mula ulo hanggang paa dahil may hindi ka naintindihan sa mga itinuro niya. May prof akong ganon dati; imbes na maliwanagan ay napaiyak pa ako sa pag-consult ko sa kanya.


May mga prof ding iba ang trip. Tipong papahirapan ka ng husto, pagagapangin ka sa putikan, paiiyakin ka bago magbibigay ng sobrang tataas na grade na feeling mo hindi mo deserve kasi tres lang ang ineexpect mo. Nangyari to sa kaibigan ko; hirap na hirap na siya sa subject na yon at feeling niya bagsak na siya. Katapus-tapusan, uno pala siya. Ayos naman, happy ending kahit masalimuot ang journey.


Yung ibang prof naman wala lang. As in, walang pakialam sa estudyante basta nagtuturo siya. Ang alam lang niya, pumapasok siya sa klaseng iyon para magturo; kung hindi nila naintindihan, problema na nila yon. Nakakainis din yung ganon kasi paano na lang kung hindi ka nakakaintindi? Paano ka na?


Ang pinakaayos sa lahat ay iyung prof na “rolled into one”. Lahat nasa kanya na: mabait, may concern sa estudyante, magaling magturo, fair magbigay ng activities, and above all, mataas magbigay ng grade. Marami akong ganyang prof. Yung isang prof ko ngayon sobrang bait, as in gusto ko siyang yakapin sa sobrang bait niya. Gusto kong magkwento tungkol sa kanya kasi nakakatuwa talaga siya. Noong una ang first impression ko sa kanya, masungit. I hated her for that (unfair I was – hating someone just because of a first impression.) Nainis ako sa kanya kasi ang dami niyang ipinagagawa sa amin. Kung anu-anong research, interview at maraming papers ang bumulaga sa amin at kinain ng mga to ang oras ko nang husto. Then eventually, I noticed na lagi niyang iminu-move yung deadlines ng mga activities. She was doing that kasi ayaw niyang ma-pressure kami. Kung hindi namin kayang i-meet yung deadline, inaayos niya. Hindi lang yon, ilang ulit ko siyang kinulit about my exercises pero ever-accommodating pa rin siya. She was being gentle on us. She even created an e-group so we can pass our papers online and avoid the hassles of printing. Noong Valentines Day, nag-consult ulit ako sa kanya. Napaka-accommodating pa rin niya, ipinag-init pa niya kami ng tubig at pinainom ng green tea sa faculty niya. Up to now, ganon pa rin siya. Wala lang, just appreciating the concern she shows to us her students.


Kung concern rin lang, wala nang tatalo pa sa prof ko dati sa “pinakamahirap” na subject ko noong first sem. Second meeting pa lang namin, kabisado na niya ang pangalan naming lahat. Hindi lang yon, kahit hindi niya consultation hours ay nag-aaccommodate siya ng estudyante, even in the wee hours of the afternoon. Higit sa lahat, hindi siya titigil hangga’t hindi namin fully naiintindihan yung lesson. He creates new and effective teaching strategies para madali naming maintindihan yung lesson. Once in a while, magjojoke siya para hindi kami antukin. At talaga namang nakakatuwa siya dahil ang cute niya. (kung kilala ninyo, wag na lang kayo maingay. Kei?)


Anumang uri ng prof meron ka, pasalamatan mo siya dahil tinuturuan pa rin niya ang isang gaya mo. Sabi nga sa isang napakagandang cliché, “Being a teacher is a noble thing to do.” Kahit ano pa ang ugali nila, it is you who should learn to bear with them, hindi lang dahil mas matanda sila kundi as a form of gratitude na rin.


#########


(I did not say all those to sue or despise my professors; in fact I am thankful to all of them.)

0 comments: