Papers. Papers.
Ito ang kadalasang maririnig mo sa mga college students, lalo na kung ka-course kita (at pareho tayo ng subjects ngayong sem na ito). Walang katapusang papers: reaction paper, research paper, test paper, “sai” paper (hindi ko alam ang spelling, naririnig ko lang siya sa roommate ko sa dorm), thesis. Minsan naiisip ko, sino ba ang nag-imbento ng papel? Bakit niya kami pinahihirapan ng ganito? At pag nakita ko siya gusto ko siyang sabunutan mula ulo hanggang talampakan.
Hindi lang yan, marami pang bagay ang nakaka-stress sa buhay kolehiyo. Ibang iba talaga ang mundo dito, hindi
Noong high school ako, sabi ko sa sarili ko bahala na. Kung saan ako dalhin ng mga paa ko, kung saan ako pumasa sa mga kinuhanan ko ng entrance exams, okey na ako. Dalawa lang ang eskuwelahang kinuhanan ko, yung isa malapit lang sa amin, at yung isa naman sa bundok tralala na isang libong milya ang layo sa bahay. Awa ng Diyos, pumasa ako sa parehong school. Gusto ko yung course na pinili ko sa unang college, pero pinili ko yung latter dahil mas may “pangalan” yung university.
Kabadong kabado ako noon sa pagpasok, kasi wala akong batchmate na kasama sa eskuwelahang lilipatan ko. Lahat kung hindi doon sa malapit na university nag-college, sa Manila naman nagsipag-aral. Yung iba sayang, hindi na nabigyan ng opportunity na makapag-aral. Enweys, pakiramdam ko noon nangangain sila ng mga freshman. Alam kong normal lang yon pero wala talaga akong kumpyansa sa sariling kakayanin ko sa universityng to.
First night sa dorm ang isa sa mga pinaka-memorable sa lahat. Yung tipong hindi ka pa nakakaisang oras sa dorm nang mag-isa, gusto mo nang tumakbo pabalik sa bahay nyo. Bagong roommates, bagong mga kaibigan. May rumors pa na may multo sa dorm. Kaya naman kahit pawis na pawis na ako ay balot na balot pa rin ako ng kumot nung gabi.
Math11 ang masasabi kong pinaka-challenging. (Oo, college algebra lang yan. Sorry naman ah. Mahina ako sa Math) Pinaiyak ako nang todo ng subject na yan. Muntik pa akong bumagsak at mag-finals. Buti na lang considerate yung prof namin, alam niyang marami talagang gumagapang sa putikan para lang maipasa ang math11.
Maraming beses din akong napaiyak ng buhay kolehiyo. Maraming dahilan. Bumagsak ako sa exam. Na-upset sa paggawa ng speech. Na-homesick ng todo todo, Nabigo sa lovelife. Nawalan ng pag-asang pumasa. Maraming marami pa. Akala ko, “big girls don’t cry.” Sa kaso ko, “Big girls cry more often.”
Awa ng Diyos, pumasa naman ako at marami akong natutunan. Ang importante pala doon, hindi ka sumusuko kahit anong ibato sayo. Ganyan lang naman ang buhay; lahat ng nangyayari ay nangyayari para turuan tayo ng leksyon. Masama man ang kinalabasan, ang mahalaga may natutunan ka dito.
Natutunan ko na sa lahat ng mangyayari sa buhay natin, Siya parin ang nakakaalam kung anong pinakamaganda sa atin. “Let God take the wheel, and He will navigate your life towards what is best for you.”
Eto na ang second sem. Ay hindi, hindi ko namalayan matatapos na pala ang second sem. Ito ang gusto ko sa buhay college, ang bilis ng mga pangyayari. Mayamaya lang, second year na ako, Tapos makakatapos na ko. Tapos magkakatrabaho. Magkakapamilya, magkakaroon ng bahay, kotse, lupa,…………….
;;;;;;;Stop dreaming. Tapusin mo na yang paper mo.
Back to reality.
0 comments:
Post a Comment