Pages

Ads 468x60px

Saturday, March 15, 2008

USAPANG BLAKBORD

Para siguro sa mga professors, unpredictable ang mga estudyante.


Pero para sa ating mga estudyante, silang mga professors itong pinaka-unpredictable sa lahat.


Sa college life (oo, prerequisite to ng blog kong “College na pala Ako”), isa sa talaga namang nakadadagdag ng thrill sa pag-aaral ay ang mga professors. Dahil marami sa kanila ay mataas ang pinag-aralan, madalas ay hindi tayo Nakakahindi sa kanila. Kahit pa tambakan ka nila ng maraming projects o papers o pahirapan ka nila sa exam.


Natutuwa tayo siyempre sa mga mababait na prof. Yung magaling magturo at considerate pa. Meron ako dating isang professor na talaga namang nakakatuwa, ayaw pa kaming i-dismiss kahit alas siyete na ng gabi, kasi hindi pa namin naiintindihan yung lesson (to think wala naman siyang seswelduhing extra kapag nag-overtime, at alam kong gutom na gutom na siya noon.) Siya ang inspirasyon ko dati, siya kasi ang naglilinaw sa amin ng mga lessons na hindi namin maintindihan sa lecture (Recitation instructor lang namin siya, pero mas marami pa akong natutunan sa kanya kaysa sa lecture professor namin.) Utang ko sa kanya ang pagkakapasa ko sa subject na yon. Haha, oo na, inaamin ko na, kaya ko ito sinasabi ay dahil siya ang favorite kong professor of all time.


Yung isa ko namang prof noong first sem sobrang bait din in and out of the classroom. Siya pa ang unang bumabati sa akin kapag nagkakasalubong kami sa daan. Kapag binabati niya ako as if kabarkada niya lang ako. Minsan nakita niya akong tulala, nilapitan ako at sinabing “O bakit ka malungkot? May problema ka ba?” Uupo pa sana sa tabi ko kung hindi ko lang sinabing “Ma’am, sleep deprived lang po.”


May mga professor namang mabait sa loob ng classroom pero kapag nasa labas na, nagiging isnabero’t isnabera. Kapag nakikita mo sila, as if hindi ka nag-exist sa listahan nila ng estudyante. Gaya noong prof ko dati na mabait kapag nagtuturo, pero ilang beses na kong nag-“hi” sa labas, ni ngiti hindi ako nabiyayaan. Worse, yung ibang mga prof masungit kapag nagko-consult ka sa kanila. Ito ang pinakaayoko. Iyung kulang na lang ay laitin ka mula ulo hanggang paa dahil may hindi ka naintindihan sa mga itinuro niya. May prof akong ganon dati; imbes na maliwanagan ay napaiyak pa ako sa pag-consult ko sa kanya.


May mga prof ding iba ang trip. Tipong papahirapan ka ng husto, pagagapangin ka sa putikan, paiiyakin ka bago magbibigay ng sobrang tataas na grade na feeling mo hindi mo deserve kasi tres lang ang ineexpect mo. Nangyari to sa kaibigan ko; hirap na hirap na siya sa subject na yon at feeling niya bagsak na siya. Katapus-tapusan, uno pala siya. Ayos naman, happy ending kahit masalimuot ang journey.


Yung ibang prof naman wala lang. As in, walang pakialam sa estudyante basta nagtuturo siya. Ang alam lang niya, pumapasok siya sa klaseng iyon para magturo; kung hindi nila naintindihan, problema na nila yon. Nakakainis din yung ganon kasi paano na lang kung hindi ka nakakaintindi? Paano ka na?


Ang pinakaayos sa lahat ay iyung prof na “rolled into one”. Lahat nasa kanya na: mabait, may concern sa estudyante, magaling magturo, fair magbigay ng activities, and above all, mataas magbigay ng grade. Marami akong ganyang prof. Yung isang prof ko ngayon sobrang bait, as in gusto ko siyang yakapin sa sobrang bait niya. Gusto kong magkwento tungkol sa kanya kasi nakakatuwa talaga siya. Noong una ang first impression ko sa kanya, masungit. I hated her for that (unfair I was – hating someone just because of a first impression.) Nainis ako sa kanya kasi ang dami niyang ipinagagawa sa amin. Kung anu-anong research, interview at maraming papers ang bumulaga sa amin at kinain ng mga to ang oras ko nang husto. Then eventually, I noticed na lagi niyang iminu-move yung deadlines ng mga activities. She was doing that kasi ayaw niyang ma-pressure kami. Kung hindi namin kayang i-meet yung deadline, inaayos niya. Hindi lang yon, ilang ulit ko siyang kinulit about my exercises pero ever-accommodating pa rin siya. She was being gentle on us. She even created an e-group so we can pass our papers online and avoid the hassles of printing. Noong Valentines Day, nag-consult ulit ako sa kanya. Napaka-accommodating pa rin niya, ipinag-init pa niya kami ng tubig at pinainom ng green tea sa faculty niya. Up to now, ganon pa rin siya. Wala lang, just appreciating the concern she shows to us her students.


Kung concern rin lang, wala nang tatalo pa sa prof ko dati sa “pinakamahirap” na subject ko noong first sem. Second meeting pa lang namin, kabisado na niya ang pangalan naming lahat. Hindi lang yon, kahit hindi niya consultation hours ay nag-aaccommodate siya ng estudyante, even in the wee hours of the afternoon. Higit sa lahat, hindi siya titigil hangga’t hindi namin fully naiintindihan yung lesson. He creates new and effective teaching strategies para madali naming maintindihan yung lesson. Once in a while, magjojoke siya para hindi kami antukin. At talaga namang nakakatuwa siya dahil ang cute niya. (kung kilala ninyo, wag na lang kayo maingay. Kei?)


Anumang uri ng prof meron ka, pasalamatan mo siya dahil tinuturuan pa rin niya ang isang gaya mo. Sabi nga sa isang napakagandang cliché, “Being a teacher is a noble thing to do.” Kahit ano pa ang ugali nila, it is you who should learn to bear with them, hindi lang dahil mas matanda sila kundi as a form of gratitude na rin.


#########


(I did not say all those to sue or despise my professors; in fact I am thankful to all of them.)

AH LB KA?!

Ngayon ko lang nalaman, ang dami palang perceptions ng mga tao about UP Los Banos. Sa tuwing sinabi kong dito ako nag-aaral, iba-iba rin ang sagot nila.

“Ah, aktibista ka na rin ba?” Marami kasing aktibistang taga-UP. Oo nga naman… Pero take it from me… mas marami sa Diliman.

“Maraming multo don diba?” Ngek! Marami ngang nagkekwento sa akin. Marami daw multo sa Hum, Baker Hall, Math Building, Library, BioSci, Palma bridge, PhySci, Men’s Dorm, lahat na yata ng lugar dito sa UPLB may multo. Isama mo pa ang estatwang si Mariang Banga na bumababa daw sa kanyang pwesto. In fairness, ang tagal ko na dito pero wala pa naman akong encounter so far. Pati nga ate ko wala pa rin eh alumna na yun.

“Nerd ka na ba?” How I wish. Sa totoo lang, wala pa akong na-meet dito sa LB na masasabi kong geek. Gaya ng ibang colleges, normal na tao din lang ang mga estudyante dito. May night life at enjoyment din sa buhay.

“Eh di wala ka na ring dress code?” Ganun? Wala akong masabi. Walang pakialamanan, kung gusto kong mag-short pagpasok, carry lang. Ganon naman dito sa UP eh, everyone has his own style and no one has the right to question that.

“Pang-mayaman na ang UP ngayon, diba?” Pwede rin, dahil sa tuition fee increase na nag-welcome sa aming mga freshie. Pero hindi pa rin, dahil marami sa amin ang nakapag-aral, despite the tuition, dahil sa scholarships. Ako naman hindi rin mayaman eh.

“Pang-mahirap ang UP, diba?” Contradicting naman sa naunang statement. Ewan ko ba sa mga tao. To tell you guys, halo halo ang mga tao sa UP. Lahat ng uri ng tao nandito na.

“Namumundok ka na rin?” Ano naman yun? Hindi porket may BS Forestry sa LB, lahat na ng part ng UPLB ay magubat.

Marami pang masasabi ang mga tao sa alma mater ko. Ang masasabi ko lang, mahal ko ito! Period!

COLLEGE NA PALA AKO

Papers. Papers.

Ito ang kadalasang maririnig mo sa mga college students, lalo na kung ka-course kita (at pareho tayo ng subjects ngayong sem na ito). Walang katapusang papers: reaction paper, research paper, test paper, “sai” paper (hindi ko alam ang spelling, naririnig ko lang siya sa roommate ko sa dorm), thesis. Minsan naiisip ko, sino ba ang nag-imbento ng papel? Bakit niya kami pinahihirapan ng ganito? At pag nakita ko siya gusto ko siyang sabunutan mula ulo hanggang talampakan.

Hindi lang yan, marami pang bagay ang nakaka-stress sa buhay kolehiyo. Ibang iba talaga ang mundo dito, hindi gaya noong high school na kahit tulugan mo ang teacher mo ay ipapasa ka niya. Sa high school, pwede kang magpatumpik tumpik dahil kayang kaya mo namang ipasa ang mga subjects at marami pang tutulong sayo. Pero iba dito sa college, nakakapanibago (siguro exagg lang ako magsalita, o sobrang na-culture shock lang ako. Pero alam kong nakaka-relate ang marami dito).

Noong high school ako, sabi ko sa sarili ko bahala na. Kung saan ako dalhin ng mga paa ko, kung saan ako pumasa sa mga kinuhanan ko ng entrance exams, okey na ako. Dalawa lang ang eskuwelahang kinuhanan ko, yung isa malapit lang sa amin, at yung isa naman sa bundok tralala na isang libong milya ang layo sa bahay. Awa ng Diyos, pumasa ako sa parehong school. Gusto ko yung course na pinili ko sa unang college, pero pinili ko yung latter dahil mas may “pangalan” yung university.

Kabadong kabado ako noon sa pagpasok, kasi wala akong batchmate na kasama sa eskuwelahang lilipatan ko. Lahat kung hindi doon sa malapit na university nag-college, sa Manila naman nagsipag-aral. Yung iba sayang, hindi na nabigyan ng opportunity na makapag-aral. Enweys, pakiramdam ko noon nangangain sila ng mga freshman. Alam kong normal lang yon pero wala talaga akong kumpyansa sa sariling kakayanin ko sa universityng to.

First night sa dorm ang isa sa mga pinaka-memorable sa lahat. Yung tipong hindi ka pa nakakaisang oras sa dorm nang mag-isa, gusto mo nang tumakbo pabalik sa bahay nyo. Bagong roommates, bagong mga kaibigan. May rumors pa na may multo sa dorm. Kaya naman kahit pawis na pawis na ako ay balot na balot pa rin ako ng kumot nung gabi.

Math11 ang masasabi kong pinaka-challenging. (Oo, college algebra lang yan. Sorry naman ah. Mahina ako sa Math) Pinaiyak ako nang todo ng subject na yan. Muntik pa akong bumagsak at mag-finals. Buti na lang considerate yung prof namin, alam niyang marami talagang gumagapang sa putikan para lang maipasa ang math11.

Maraming beses din akong napaiyak ng buhay kolehiyo. Maraming dahilan. Bumagsak ako sa exam. Na-upset sa paggawa ng speech. Na-homesick ng todo todo, Nabigo sa lovelife. Nawalan ng pag-asang pumasa. Maraming marami pa. Akala ko, “big girls don’t cry.” Sa kaso ko, “Big girls cry more often.”

Awa ng Diyos, pumasa naman ako at marami akong natutunan. Ang importante pala doon, hindi ka sumusuko kahit anong ibato sayo. Ganyan lang naman ang buhay; lahat ng nangyayari ay nangyayari para turuan tayo ng leksyon. Masama man ang kinalabasan, ang mahalaga may natutunan ka dito.

Natutunan ko na sa lahat ng mangyayari sa buhay natin, Siya parin ang nakakaalam kung anong pinakamaganda sa atin. “Let God take the wheel, and He will navigate your life towards what is best for you.”

Eto na ang second sem. Ay hindi, hindi ko namalayan matatapos na pala ang second sem. Ito ang gusto ko sa buhay college, ang bilis ng mga pangyayari. Mayamaya lang, second year na ako, Tapos makakatapos na ko. Tapos magkakatrabaho. Magkakapamilya, magkakaroon ng bahay, kotse, lupa,…………….

;;;;;;;Stop dreaming. Tapusin mo na yang paper mo.

Back to reality.