(I delivered this reflection last night at the ComRep Vigil in LBDH. Gloria in excelsis Deo!)
_________________________________________________
ZEALOUS FRIEND. Ako po si Mich. Senior Devcom student from
UPLB. Thesis na lang ang nagpapatagal sa akin sa university. Noong March pa
sana ako napagraduate ng UP kaya lang tumagal dahil hindi pa tapos ang thesis.
Kaya I’m still here at nakakasama nyo pang magvigil ngayon. Anyway, I am going
to share with you some insights on how Jesus has been a zealous friend to me.
Iniisip siguro ng marami na ang ganda ganda ng relationship
ko with God. Bilang isang member ng UPLB Lisieux Music Ministry at isang taong
simbahan, palagi akong makikita sa simbahan. Minsan nagsisimba, madalas
umaattend ng activities ng Lisyu, at
madalas tumatambay lang naghahanap ng ka-lunch. Akala yata nila banal ako, lalo
na ng mga kasama ko sa devcom.
Ang hindi alam ng marami, I have this sort of love-hate
relationship with God. Hindi ako palaging high na high. “O Lord, thank you so
much. You are so great. I love You so!” hindi ko yan palaging nasasambit. To
tell you honestly, minsan ko lang yan nasasabi, puno pa ng doubts. Nakwento ko
na ito sa ilan sa atin. Ang buhay ko noon ay no sweat. Pinalaki ako nang hindi
pinagdadanas ng hirap, kahit gumawa ng household chores. Parang prinsesa lang
talaga ako sa bahay, spoiled na spoiled. Kaya gagawa man ako ng chores, yung
magagaan lang gaya ng pagwawalis o pag-urong ng sampay.
When I was “initiated” to the jungle-like life of college in
UPLB, I was bombarded. Mahirap pala ang tunay na buhay. Hindi ako sanay nang
nahihirapan, kaya lahat ng paghihirap ay tinake ko against me and against Him.
Feeling ko galit sa akin ang Diyos. Everytime I experienced a difficulty, I
would turn to God and say “Parusa mo ba ‘to sa mga kasalanan ko?” “Pinagsisilbihan
naman Kita ah, eto pa ba ang igaganti Mo? Bakit ako?” Ang kapal lang noh? Pero
kapag naman ok na, magsosorry naman ako. “Lord, I did not mean what I said. You
know me naman, nakakapagsabi ng mga salitang wala sa loob ko. Sorry Lord.” As I
told you, I have a love-hate relationship with God.
Give me roses, I would
gladly accept them, praise God and thank Him. Give me thorns, I would readily
despise them and question God why He would want to give me those thorns. There
came a point when I totally rejected His cross. Out and out sinabi ko yun sa
Kanya. “No, Lord. I don’t accept the cross. I am rejecting it. Take it away
from me.”
Na-realize ko kung gaano yung gravity ng sinabi ko na yun.
Para ko na ring ni-reject si Lord. Kasi hindi mapaghihiwalay si Hesus at ang
krus. If I reject the cross, I reject Christ. Anyway, na-confess ko na yun at
alam ko napatawad na ako ng Diyos. After that incident, okey na ulit kami. As
I’ve said, it’s a love-hate relationship I have with God. Hindi ko naman talaga
“hate” and Diyos, nase-shake lang talaga ako ng mga pagsubok sa buhay.
Pero kung love / hate man ang nararamdaman ko towards God,
ako lang yun. Dahil Siya, alam kong hindi nagbabago. Zealous friend nga. Hindi
lang basta friend eh, zealous pa. So passionate, so longing, so real. I could
feel how He longs to be my friend. Nararamdaman ko yung saya Niya sa tuwing
babalik ako sa Kanya, sa tuwing magsosorry ako, sa tuwing pupunta ako sa
confession. Nararamdaman ko rin yung lungkot Niya sa tuwing tatalikod ako sa
Kanya. Sa tuwing magtatanong ako ng “Bakit ako na naman Lord?” at lalo sa
tuwing irereject ko Siya. Naiimagine ko yung lungkot sa mga mata Niya, at sa
totoo lang masakit din, because of course I do love Christ, but this love is so
frail.
Huling hirit. Dati nagde-daydream ako. May lalaki daw na
mamamatay for me. Iba-ibang scenario. Kunwari mababaril daw ako tapos
haharangan niya yung bala tapos siya yung mababaril. Tapos habang duguan,
sasabihin niya daw that he loves me so much. Basta, how I loved the idea that
someone would feel so great a love for me he would be willing to die for me.
Now I realized that I need not to dream of it, it actually happened! Two
thousand years ago pa. Hindi ko pa man hinihiling, naganap na. Ang kaibahan
lang, hindi Niya hiniling na mahalin ko rin Siya. Basta nagmamahal Siya,
whatever it takes. Tapos yung taong yon, mahal Niya pa rin yung mga taong nagpako
sa Kanya. I imagine the pain on His head brought by the crown of thorns. Dapat
sakin yon, kasi ako naman yung nagkasala. Pero inangkin Niya, best friend ko
daw kasi Siya at best friend Niya ako. Pero paano ako magiging best friend sa
Kanya kung ako mismo ang may hawak ng martilyo? Ako yung magdidiin ng pako sa
mga palad Niya. At araw-araw ko yung gagawin dahil araw-araw ko Siyang
ipinapako sa krus dahil sa mga kasalanan ko… but the blood He will shed out,
will be for my salvation. Ironic. Truly ironic, almost impossible to
understand. This is the mystery of the love of God. This is the best thing
about Him – He is so selfless, so loving. He is the best best friend one could
ever have.
1 comments:
i was inspired by your story. thank you for this since i will be sharing to the church about the Zealous Friend in the alliance of two hearts it helps me a lot.. for my additional input for that sharing. thank you so much.. lets continue to serve the church.
Truly God is our best best Friend.
Post a Comment