Pages

Ads 468x60px

Friday, May 15, 2015

Inalayan ko ng awit ang isang matanda.

Inalayan ko ng awit ang isang matanda
Linggo ng hapon noon at wala ‘kong magawa
Niyakap niya ako ng ubod ng diin
Sabi’y malaking bagay ang nagawa mo sa’kin.

Inalayan ko ng awit ang isang matanda
Para hindi siya maghapong nakatulala
Kahit nagkagulo-gulo at wala sa tono
Ang saya ni lola ay kitang kita ko.

Inalayan ko ng awit ang isang matanda
Bilang munti lamang na kawanggawa
Akala ko naman ito’y walang epekto
Pero pinasaya ko daw pala kanyang mundo.

Inalayan ko ng awit ang isang matanda
Kahit ang awit ay palasak na sa iba
Payak at kay ikli lang ng awit na dala
Ngunit kahit ito ay makahihilom din pala.

Inalayan ko ng awit ang isang matanda
Ang kapalit ay sobra-sobra namang pagpapala
Dahil noong sinubukan kong dalhin siya kay Kristo
Ako ay dinala niya kay Kristo rin mismo.

0 comments: