Pages

Ads 468x60px

Monday, July 4, 2011

Bakit tao ka at hindi ibon

Isang araw, kinainggitan ko ang mga ibon.

Lipad lang kasi sila ng lipad. Wala silang problema. Walang mabigat na pinapasan. Walang 18 units at hindi na kailangang pumasok sa eskwelahan. Walang thesis na kailangang intindihin. Hindi na kailangang mamroblema sa pera. Hindi na kailangang kumita ng pera! Kontento na sa kung anong bigay na pagkain ng Maykapal. Hay. Sarap ng buhay.

Hindi sila nasasaktan. Hindi sila nalulungkot. Walaaaang ka-proble-problema.

Eh ang tao? Gigising sa araw-araw, nangangamba kung may pera pang pambili ng pagkain. Nagpaplano sa thesis na ikamamatay muna ng katawan at isipan bago matapos. Ipapasa mo na lang ang thesis, mava-virusan pa. Lolokohin ng kung sinu-sino. May mangsa-snatch ng bag. Puro misfortunes ang tao kumpara sa ibon.

Nakakainis. Parang ang unfair naman ng buhay. Bakit ang mga hayop, ang tatahimik lang pero nabubuhay sila ng ganoon lang? Di kaya sana naging ibon na lang ako?

Kung bibigyan ng pagkakataon na maging ibon ka na lang, papayag ka ba? Para lang maka-iwas ka sa mga problema at inconveniences ng buhay? Parang magandang deal yon noh.

Pero alam ko ang isasagot mo. Ganyan din ang sagot ko.

Una, tayo ang center of God's creation. We are dominion to the plants, animals, and all creatures of God. Ibig sabihin, tayo ang pinakamahalagang nilikha. Tayo ang favorite. Tayo ang apple of the eye (cf. Psalm 17:8).

Isipin mo, ginawa muna ng Diyos ang lahat ng kailangan natin bago Niya tayo ginawa. Ang liwanag, ang mga bituin, ang araw, ang tubig, lupa, hayop, halaman. Ibig sabihin, pinaghandaan na Niya tayo. Para sa atin ang lahat ng ito! Kaya special tayo.

Pangalawa, andami naman nating mami-miss sa buhay kung sakaling naging ibon tayo at hindi tao. Hindi ka maipapanganak. Kung ibon ka, maha-'hatch' ka lang galing sa itlog. Itlog na ang bagong 'bahay-bata.' Pwede kang basta na lang iwan sa kalsada, edi kawawa ka naman, ni hindi mo kilala ang mga magulang mo. Masahol ka pa sa inabort. Pag-inincubator ka naman, baka maging balut ka lang. Good luck.

Mahihirapan ka ding makipag-socialize sa kapwa mo ibon dahil magkakamukha lang kayo. Halos pare-pareho lang ang features ng mukha niyo kaya kailangan nyong lahat ng nametag. Tapos, pano ka magsusulat ng nametag eh wala ka namang kamay? Pantuka lang meron ka. Tukain mo yung tinta tas saka ka magsulat gamit ang beak mo. Good luck.

Hindi rin kayo makakapag-usap ng mga kapwa mo ibon ng gaya sa tao. Wala kayong masasabi kundi tweet tweet. Puro na kayo "tweet-er", literally. Hindi na kayo makakapag-tongue twister dahil wala naman kayong tongue in the first place. Hindi na kayo makakapagsabi ng supercalifragilisticcoxpialidocious. Good luck.

Puro kalokohan ang sinasabi ko. Pero seriously... Pinagpala ka dahil isa kang tao.

Kung hindi ka tao, hindi mo makikilala ang mga magulang mo ngayon. Hindi mo mararamdaman kung paano ka buhatin ng tatay mo noong maliit ka pa. Hindi mo matitikman ang luto ng nanay mo.

Kung hindi ka tao, walang pangarap. Walang kilig. Walang ngiti. Walang konsensiya.

Walang pananampalataya. Walang pag-asa. Walang pagmamahal na handang ialay ang sarili para sa isang kaibigan.

Kung hindi ka tao, hindi mo Siya makikilala. Ang Taong hari na pero piniling ipanganak sa sabsaban.

Ang Taong pinakamatalino ngunit piniling maging isang abang manggagawa sa mahabang panahon.

Ang Taong malinis ngunit piniling makipagkaibigan sa mga makasalanan.

Ang Taong dapat pagsilbihan ngunit piniling hugasan ang paa ng Kanyang mga tagasilbi.

At ang Taong hinampas, hinamak at pinagtawanan na nga, nagmamahal pa.




Sinadya Niya ang lahat. Gusto ka Niyang mabuhay. Bilang TAO.
Sundin mo ang tawag Niya.
Yan ang dahilan kaya tao ka at hindi ibon.

Panginoon, salamat sa buhay na ito. Mararanasan ko na naman ang pagmamahal Mo.
Pagpalain ang Diyos. Tweet tweet!

0 comments: