Monday, February 27, 2012
Bejeweled.
I realize that life is similar to the game Bejeweled. Every move I do affects all the other jewels. The arrangement of other jewels will be depending on how I move just one jewel. Everything is interrelated. This holds true looking through the lens of ecology.
If I leave the house at 8am, it will not be the same as when I leave at 8:05. My passing in UP meant that a slot in Devcom was given to me and if I did not take the slot, someone would have done it in replacement of me. This is how life goes. In every decision I do, someone will be affected. My actions have a ripple effect on humanity, and might even affect eternity.
Saturday, February 11, 2012
Wag na tayong mag-Alay Musika!
I love asking God "why?" Kung sa bawat tanong ko ng bakit ay may bente pesos na natatanggap ang Diyos, siguro meron nang avalanche ng bente sa langit.
Pero iyon pa rin ang itinanong ko sa Diyos noong naging parte ako ng ProdCom for Alay Musika 26. Hanggang ngayon nga ay itinatanong ko pa rin ito. Bakit ako? Marami namang ibang magaling dyan. Hindi pa organisado ang buhay ko. Bakit naman ako ang napili ng Diyos?
Sobrang daming napagdaanan ng AM na ito. Lahat naman ng AM ganito. Masyado kaming sinubok sa lahat ng aspeto.
1. Kaperahan. Imagine, bago ma-Xmas break eh wala pa sa 1/4 o 1/3 ng perang kailangan ang nalilikom namin. Wag na tayong mag-AM!
2. Physical, maraming tao ang nagkasakit dahilan para di makumpleto sa mga practices. Mismong conductor nagkasakit na rin. Wangwang. Wag na tayong mag-AM!
3. Emotional. Para kaming nag-roller coaster ride ng emotions. Iyak, tawa, iyak-tawa, galit, tampo, takot. . . at marami pang iba. Wag na tayong mag-AM!
4. Paranormal. May mga nakakatakot pang chever at eklat. Galit na galit na siguro sa atin ang demonyo dahil mag-aalay tayo sa Diyos. Katakot nang mag-AM! Wag na tayong mag-AM!
5. Spiritual. Nakaka-uhaw. . . Pakiramdam ko walang Diyos. Ay hanep, wag na talaga tayong mag-AM.
Bawat vigil nga palaging idinadalangin 'yan. "For the success of Alay Musika 26." Na wala namang kasiguraduhan kung matutuloy nga. Pati sa mga rosaryo yun din ang dinudulog sa mahal na Ina, kahit di ma-perfect perfect sa practices ang Marian song na "Inay."
Pati mga sarili namin problema rin namin. We are imperfect people trying to stage a concert for a perfect Being. Napakaraming naging pagsubok dahil sa mga kahinaan namin. Kung mismong sarili namin problema natin, ay shocking pluto. Wag na talaga tayong mag-AM, as in.
But then. . .
I'm still filled with awe everytime I imagine the stage. The spotlight that is so hot. The fog machine that caused Aning to nebulize during the concert (but amazingly, she still sang Reflection beautifully). The adrenaline rush we felt during the performances. And the "kilabot" and gushing tears brought by the witnesses and AVPs. Grabe, lahat nang ito naging posible?
Habang pinagninilayan ko ang naging flow ng concert, naisip kong parang kakaiba yung flow. Script Committee ako, oo, pero parang hindi ako ang nagplano. Lahat parang bago sa akin. Ako ang may pakana ng ganung flow, pero parang noon ko lang na-realize kung bakit talaga ganun ang pagkaka-patse patse ng mga istorya.
Kung ako ang nagplano, maiisip ko na "ay hindi na ako gaanong magiging emotional, nakita ko na ang concert na 'to eh." But no! Pati sa akin parang bago yung kwento. My hairs stood on end from one transition to the next. I've already seen that Passion of Christ video a lot of times but it still left me in tears. I've already heard the witnesses' stories but I still felt the awe everytime I imagine their struggles. Kahit 7PM show na, pakiramdam ko bago na naman at 1st time kong makikita ang lahat.
Ngayon, kahit daan-daang beses ko na yatang napanood ang AM ay tumitigil pa rin ako kapag may nagbubukas ng AM videos dito sa A1. Tinitingnan ko pa rin ang photo albums. Nae-LSS pa rin ako sa mga songs. Di talaga maka-get over? Sori naman.
Tunay na hindi bumibitaw ang Diyos sa Kanyang pangako. Hindi nawalan ng saysay ang mga petitions na "For the success of Alay Musika." Ngayon, ang sasabihin na ay "THANKSGIVING for the success of Alay Musika." Maraming pinagdaanan ang Alay Musika na ito pero wala namang katumbas ang mabuting bunga nito. Ang sarap pala magpagamit sa Diyos. Magiging kumpleto ka na, mapapasaya mo pa ang iba. Tapos hindi ikaw ang makikita, kundi Siya.
Ang batang matanong ay batang matalino, kaya hindi matatapos ang aking pagtatanong dahil ako ay matalino. Tatanungin ko pa rin ang Diyos kung bakit. Bakit ako ang pinili Niya para dito? Pero makuha ko man ang sagot o hindi, masaya na ako. Basta alam kong sa Diyos ito, go lang ng go.
PS. One day, I will face God and ask Him to show me all the lives inspired by Alay Musika. Then He will show me the souls that were moved, and hug me and say, "Thank you, My Child, for laboring with me in this endeavor." That joy will be a blissful one, I promise.
Subscribe to:
Posts (Atom)